Lasing ka nanaman kagabi. Napansin mo ba, na nung dumating ka, kaming tatlo ay nagkandado sa kwarto? Napansin mo ba, na nang umupo ka sa mesa, kahit hindi pa talaga ako tapos kumain noon, umalis na ako? Napansin mo ba na iniiwasan ka namin? Napansin mo ba hindi kami umalis ng kwarto hangga't hindi ka nakakatulog?
Sana magbago ka. Kung hindi para sa'yo, para sa mga anak mo. O sa asawa mo na lang, kung ayaw mo sa'min.
07 November 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment